2 Pinoy baby ikinulong sa Malaysia

2 Pinoy baby ikinulong sa Malaysia

Nanawagan ang Migrante International sa Department of Foreign Affairs at sa administrasyong Duterte na kumilos na para mapalaya ang dalawang sanggol na Pilipino na nasa Bukit Jalil Immigration Detention Centre sa Kuala Lumpur noong pang June 14.

Ayon sa Migrante International, ang mga sanggol ay walang dokumento dahil ang kanilang mga ina, na may mga visa naman, ay wala sa bahay nang salakayin ang Plaza Indah Apartment Kajang ng mga immigration officer.

Nalaman ng Migrante International ang kalagayan ng mga sanggol mula sa Tenaganita, isang migrant centre sa Malaysia, na nag-aayos ng kaso ng mga ito. Matagal nang partner ng Migrante International ang Tenaganita na kapwa nagsusulong ng karapatan at welfare ng mga migrante.

“We call on the Duterte go­vernment and the Department of Foreign Affairs to ensure the prompt release of these little children from detention so that they can be reunited with their family. In the same manner, we urge the Malaysian immigration authorities to hand the children back to their parents’ custody from whom they will be assured of receiving care and fond supervision as they work on their immigration documents,” sabi ng Migrante.

Ayon kay Tenaganita executive director Glorene A Das, ang mga paslit ay inaalagaan ng kamag-anak nang dinakip ng mga immigration officer dahil sila ay undocumented. (Eileen Mencias)