Patay ang dalawang pulis at apat na iba pa habang 19 katao rin ang sugatan sa Afghanistan matapos magkabarilan sa isang lugar kung saan namamahagi ng ayuda.

Bago ang krimen ay daan-daang katao ang sumugod sa labas ng tanggapan ng gobernador sa lalawigan ng Ghor na kabisera ng Firozkoh matapos mamigay ng pagkain bilang donasyon ang isang Qatari group.

Masusi pa ngayong inaalam ng mga awtoridad ang pinag-ugatan ng krimen pero lumilitaw na nauna umanong nagpaputok sa mga pulis ang ilang nagpoprotesta sa lugar.

“The protesters opened fire on the police,” pahayag ng spokesperson ng provincial governor na si Aref Haber.

“Four civilians, including an employee of a local radio and two policemen, were killed,” sambit pa nito.