2 pulis sa Duterte narco-list sinibak

Sibak na ang dalawang pulis na kasama sa listaha­n ng mga sangkot sa droga na inilabas ni Pangulong ­Rodrigo Duterte kamakailan.

Ayon kay Police Superintendent Jenny Tecson, tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), tinanggal na sa kanilang puwesto sina PO3 Alexander Macabeo, ng Police Community Precinct (PCP) 3 ng Parañaque City Police at PO2 Alan Carpio, ng Police Community Precinct 8 ng Pasay City Police.

Lumitaw sa record ng SPD, si Macabeo ay nailipat na noong Abril 29, 2010 sa Regional Police Holding and Accounting Unit (RPHAU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Nadismis na rin umano ito ngunit muling naka­balik sa serbisyo noong 2015.

Samantala, si Carpio ay agad namang isinuko ng kanyang opisyal.