2 pulis sa Negros nagduwelo, 1 patay

Arestado ang isang sundalo matapos barilin at mapatay ang kasamahan nitong sundalo sa Negros Occidental.

Kinilala ni Lt. Col. Darryl Bañes, commanding officer ng 62nd Infantry Battalion, ang biktimang si PFC Rusky Balgona, 30, ng Barangay Dian-ay, Escalante City.

Agad naman dinakip ang suspek na si Sgt. Aproniano Dominguez, 40, ng Bunawan, Agusan del Sur.

Napag-alaman na nagtungo ang tropa ng mga sundalo sa Cadiz City para dumalo sa kaarawan ng isa nilang kasamahan at nag inuman.

Nang malasing, nagkapikunan ang biktima at suspek hanggang sa paputukan ni Dominguez gamit ang M16 armalite rifle nito si Balgona.

Nagtamo naman ng sugat sa kamay si PFC Arjoe Gabia, 27, ng Camarin, Caloocan, matapos umawat sa away ng dalawang kasamahang sundalo.