Dalawang armadong drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa awtoridad habang dalawa pa ang nasakote sa magkahiwalay na buy-bust operation sa bayan ng Norzagaray at San Miguel, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na sina Manny Espiritu, nasa hustong gulang, na nasa lista­han ng drug watch list at nakatira sa Bgy. Partida, Norzagaray at Fil Sayuman y Mendoza alias ‘Tamang’, 42, may asawa, magsasaka ng Bgy. Camias, San Miguel na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Bandang alas-5:20 ng madaling-araw nang magsagawa ng operation ang Norzagaray PNP sa pangunguna ni P/Supt. Rizalino Andaya sa Bgy. Partida, ngunit nanlaban ang suspek na si Espiritu gamit ang shotgun at pinaputukan ang pulisya kaya nagkaroon ng habulan at napatay ang suspek.

Samantala, nagsagawa naman ng buy-bust ope­ration ang San Miguel PNP sa Sitio Riles at Sitio Mandamulag, kapwa sa Bgy. Camias, San Miguel nang manlaban ang suspek na si Sayuman at nagpaputok ng kanyang kalibre .38 rebolber sa awtoridad.