TALAVERA, Nueva Ecija — Dalawang drug pusher ang napatay sa engkuwentro noong Lunes ng madaling-araw sa Brgy. Pag-asa sa bayang ito.

Kinilala ang mga napatay na sina Edmond Acosta Dacir, 35, residente ng Brgy. San Isidro, Zaragosa, at Abel Tagudin Erica, 36, residente ng Brgy. Sta Barbara, San Antonio, kapwa sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Lumitaw sa pagsisiyasat na dakong alas-dos ng madaling-araw nang isagawa ang buy-bust subalit nakatunog ang mga suspek na pulis ang katransaksyon kaya’t agad nagpaputok kaya pawang tumimbuwang matapos ratratin ng mga awtoridad.

Nakarekober sa insidente ng isang cal. .38, cal. .22, apat na sachet ng shabu, marked money, at motorsiklong walang plaka.