Dalawang tulak ng shabu at damo at pinaniniwalaang ding sangkot sa carnapping ang napatay sa isang buy-bust operation sa Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report, isa sa dalawang suspek ang nakilalang si Rolando Paraiso, na kabilang sa drug watch list ng pulisya at kapwa napatay sa pook ng engkuwentro bunga ng tama ng bala sa kanilang katawan at makumpiskahan ng apat na pakete ng shabu, walong tea bag ng damo, kalibre .38 at isang granada.

Nakarekober din ang awtoridad ng isang Suzuki na posibleng kinarnap ng mga suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-11:25 ng gabi nang magkaroon ng running gun battle sa suspek na si Paraiso at kasama nitong kaangkas sa motorsiklo na naging dahilan upang kapwa ito mapatay.