Napatay sa buy-bust operation na nauwi sa shootout ang dala­wang kilabot na pusher na kasama sa drug watchlist sa Kalawit, Zamboanga del Norte.

Kinilala ni Police Regional Office 9 director Chief Supt. Billy Beltran, ang nasawing mga suspek na sina Louie Gumban Bacolod at Ricardo Devila Sidlao Jr., parehong kasama umano sa Top 10 drug watchlist ng Kalawit.

Ayon kay Beltran, isinagawa ang buy-bust operation noong Biyernes sa Sitio Tubod, Brgy. Poblacion kung saan nanlaban ang mga suspek na dahilan ng shootout.

Narekober mula sa mga suspek ang hindi pa mabatid na dami ng shabu, mga drug paraphernalia at isang baril.