2 seaman na nabagsakan ng tulay sa Taiwan naiuwi na

Naiuwi na sa bansa ang mga labi ng dala­wang Filipino seaman na nasawi sa pagbasak ng Nanfang–ao bridge sa probinsya ng Yilan, Taiwan noong nakaraang linggo.

Ang mga labi nina Andrei Abregana Serencio, 43-anyos at George Jagmis Impang, 46, ay dumating na lulan ng China Airlines flight CI 701 mula sa Taipei, Taiwan dakong alas-10:10 ng umaga.

Sinalubong ang mga ito ng kanilang mga naulila sa Ninoy Aquino International Airport – International cargo terminal ng Pair cargo kahapon ng umaga.

Matatandaang Oktubre 1, 2019 nang gumuho ang tulay habang ang sinasakyang barko ng nasawing Pinoy ay kasalukuyang nagkakarga ng krudo kung saan ang oil depot ay nasa ilalim ng bumagsak na tulay.

Sa opisyal na talaan ng Taiwanese Police, anim ang namatay sa pagbasak ng tulay kasama ang tatlong Pinoy. (Otto Osorio)