CABANATUAN CITY — Dalawang sekyu ang inireklamo makaraang tangayin ang ­service firearm na inisyu sa kanila sa pinapasukang ­security agency kamakalawa dito.

Sa ulat ni P/Supt. Ponciano Zafra noong ­Biyernes ng hapon nagsadya sa kanyang tanggapan si Rogelio Marcelo Buac, area supervisor ng Northpoint Security and Investigation ­Agency upang ireklamo sina Benjie P. Tualla, residente ng Zone 4, Brgy. Palina East, Urdaneta City; at ­Norvie C. Aquino, residente ng Brgy. Poblacion, Tayug, Pangasinan.

Hindi na umano nag-duty ang dalawang sekyu at tinangay mula sa armory ng tinatanurang SM Megacenter Mall sa Brgy. San Roque Norte ang isang Rock Island 9mm pistol na may serial no. RIA1734540.

Dahil ayaw umanong makipagkoordinasyon sa kanilang tanggapan ay kinasuhan ng qualifed theft ang dalawa.