Kapwa napatay ang dalawang security guard makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktimang sina Adonis Cabiling, 29 at Jobert Guan, 39, kapwa residente ng Barangay Pulong-Buhangin, Sta. Maria na nagtamo ng tama ng bala sa kanilang katawan.
Pasado alas-otso ng umaga nang maganap ang krimen habang ang dalawang biktima ay kumakain sa isang karinderya sa Barangay Pulong-Buhangin, Sta. Maria.
Bigla umanong huminto ang dalawang nakamotor at patraydor na pinagbabaril ang mga biktima at saka mabilis na tumakas nang masigurong patay na ang mga ito.
its really free to kill in the Philippines… parang Singapore na talaga