2 senior citizen arestado sa tong-its

Tiklo ang dalawang senior citizen sa San Felipe, Zambales matapos maaktuhang naglalaro ng tong-its sa kanilang lugar kamakalawa.

Kinilala ang dalawa na sina Aurora Alferez, 76, at Josie Ablian, 62, pawang mga residente ng Purok 1, Brgy. Sto. Nino, San Felipe Zambales.

Isa pa umanong suspekna diumano’y isang barangay kagawan ng Brgy. Amagna, San Felipe ang nakatakas nang makatunog na parating na ang mga awtoridad.

Nakumpiska sa lugar ang iba’t ibang gambling parapernalia, perang ginamit pantaya, cellphone at isang mountain bike.

Patong-patong naman na kaso ang kakaharapin ng dalawang nahuli dahil sa paglabag. (Randy Datu)