CABANATUAN CITY — Dalawang hindi pa nakikilalang mga biktima ng pamamaslang ang natagpuang naka­handusay sa magkahiwalay na lugar kamakalawa sa lungsod na ito.

Sa ulat na nakalap ng TONITE sa tanggapan ni P/Supt. Ponciano Zafra ang mga bangkay ay natagpuan sa Purok 7, Q. Valino St., Brgy. Aduas Centro at sa Narra St. Purok 1, Brgy. Padre Crisostomo kapwa sa nabanggit na lungsod.

Dakong alas-sais ng umaga nang matagpuan ni Jessie Manansala, bantay-bayan ng Brgy. Aduas Centro ang bangkay ng lalaking nakagapos ang mga kamay at paa, naba­lutan ng packaging tape at may cardboard na sinulatan ng ‘Holdaper Ako!!! Mga kasama susunod na kayo’.

Katabi naman ng motorsiklo ang isa pang bangkay na may tama ng baril sa ulo ang nakita sa Narra St.. Narekober sa biktima ang isang caliber .38 na may 4 na bala, 3 cellphone, mga alahas at P63,000 cash.