Dalawa ang suga­tan kabilang ang isang 4-anyo­s na batang lalaki nang mabagsakan ang bahay ng isang pamilya ng patung-patong na peri­meter fence­s sa Taguig City ­kahapon ng madaling-araw.

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga biktima na sina Bong Bacolares, 44 at Mico Calderon, 4, kapwa nakatira sa Panday Creek, Brgy. Palingon Tipas ng naturang lungsod sanhi mga tinamong mga sugat sa iba’t ibang bahag­i ng katawan.

Sa report na natanggap ng Public Information ­Office (PIO) ng Taguig City Hall, naganap ang insidente alas-singko ng madaling-araw sa naturang lugar.

Habang natutulog ang mga biktima, gumuho ang patung-patong na perimeter fences sa kanilang bahay na nakadikit sa isang pader kaya nagiba ang sinasandalang pader ng kanilang bahay hanggang sa matabunan ito.