2 sundalo inambus sa Sulu

Patay ang dalawang sundalo habang sugatan ang dalawang iba pa makaraang tambangan ng mga hinihinalang mi­yembro ng Abu Sayyaf Group sa Sulu kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Sulu Provincial Police Office, patungo ang apat na biktima sa bayan ng Jolo sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin sila ng mga suspek.

Miyembro ang mga biktima ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army
Ang mga nasawing biktima na kinilalang sina Private First Class Ernie Pumicpic at Private First Class Benhar Ahajul ay mga mi­yembro ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army.