Nasawi ang dalawang sundalo matapos ang sagupaan sa pagitan ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu, kung saan ay patuloy ang operasyon ng militar kontra sa ISIS-linked militants.
Sumiklab ang labanan sa bayan ng Kalingalan Caluang nang atakihin ng Abu Sayyaf ang grupo ng mga nagpapatrolyang Marines.
Sinabi ng Western Mindanao Command na limang Abu Sayyaf diumano ang nasawi sa labanan at nabawi ang kanilang mga bangkay.
Naganap ang labanan kasabay ng deadline ng Abu Sayyaf sa pamilya ng apat na mga construction workers na dinukot nakaraang buwan sa Patikul.
Papatayin umano ng Abu Sayyaf sina Felimon Cordero, Edmund Ramos, Joel Adanza at Jason Baylosis kung mabigo ang kanilang pamilya na magbayad ng milyun-milyong pisong ransom.