2 sundalong napatay sa Misamis pinarangalan ni PDu30

Personal na nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes sa burol ng dalawang sun­dalong napatay sa engkwentro sa pagitan ng New People’s Army (NPA) sa Misamis Oriental noong isang buwan.

Nagsadya ang Pangulo sa Camp BGen. Edilberto Evangelista Chapel kung saan nakaburol ang mga labi ng mga napaslang na sina Cpl. Marzon Morales at Pvt. Oshin Rosala na kapwa ginawaran ng Bronze Spearhead Devise Medal.

Nagkaloob din ang Pangulo ng pinansyal, medical at educational assistance sa mga naulilang pamil­ya ng mga sundalo.

Ang dalawa ay napatay sa sagupaan ng tropa ng gobyerno at NPA sa Barangay Kaulayanan, Sugbongcogon, Misamis Oriental noong Pebrero 27 at 28.