2 tinodas ng maskaradong tandem sa Agusan

Dalawa katao ang nasawi nang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen na nakamaskara sa Agusan del Sur kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Julius Cabilin at Milky Jimena, na natagpuang nakahandusay sa gilid ng kalsada sa Barangay 3, Rosario.

Sa salaysay ng saksi na si Randy Briones, kasama niya ang mga biktima habang sakay ng motorsiklo patungo sana sa Purok Masabong nang hara­ngin sila ng mga suspek.

Walang kaabug-abog na naglabas ng baril ang mga suspek na nakasuot ng bonnet sa mukha at walang awang pinaputukan ang dalawang biktima.

Binantaan pa umano si Briones ng mga suspek na manahimik sa nangyari para hindi ito madamay.