Dalawang lalaki ang iniulat na pinatay ng mga ‘di kilalang salarin sa magkahiwalay na barangay kamakalawa ng gabi sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Unang pinatay dakong alas-6:45 ng gabi ang biktimang si Jayson Cayundong Espano, 39, matapos itong pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay Union ng nasabing bayan.

Dakong alas-6:55 naman ng gabi nang pagba­barilin ang biktimang si Jaime Estrada sa Barangay J.P. Laurel, Gubat, Sorsogon ng ‘di rin nakila­lang suspek sa harapan ng kanyang asawa.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang ginagawang follow up operation ng pulisya hinggil sa dala­wang magkasunod na patayan.