2 tirador ng motor napatay sa Bulacan

dead-body

Dalawang hindi nakilalang karnaper ang napatay makaraang manlaban sa mga awtoridad sa Brgy. Kaypian, SJDM City, Bulacan kamakalawa.

Patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at marekober sa kanilang pag-iingat ang dalawang kalibre .38, pitong pakete ng shabu at kinarnap na SYM motorcycle na may plakang CC 70982.

Dakong ala-una ng madaling-araw ng tangayin ng tatlong armado ang motor ng biktimang si Sherie Ann Amor Banting, tiyempo namang nasalubong habang nagpapatrulya ang dalawang nanlabang suspek sa Brgy. Kaypian ng mga kapulisan at doon napatay at agad nabawi ang motor.