Swak sa kulungan ang dalawang lalaking tulak ng droga matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Rosario, Pasig Police, kahapon nang madaling-araw.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director P/Supt. Bernabe Balba, nakilala ang mga suspek na sina Mario Orlanes y Cardento at Richard Apostol y Postrado, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Rosario, Pasig City.

Sinalakay ng mga tauhan ng station drug enforcement unit ng Rosario Police bandang ala-una kahapon nang madaling-araw ang West Bank Road, sakop ng Brgy. Rosario, Pasi­g City kung saan ay nalambat ang dalawang suspek makaraang magbenta ng droga sa isang ‘buyer’ na pulis.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang plastic sachet na nag­lalaman ng shabu at P200 buy-bust money.

Kapwa nakakulong ang mga suspek sa Pasi­g detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Illegal Drugs Acts.