By Orlan Linde

Sa selda bumagsak ang dalawang lalaking drug pusher makaraang magbenta ng shabu sa kaharap nila na isa palang parak, sa isinagawang buy-bust opeĀ­ration sa Malabon City kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ang mga hinuli na sina Marlon Solano, 32, binata, ng Block 54-E, Lot 21, Phase 3, F2, Dagat-Dagatan, Caloocan City at Mateo Van Erick Soriano, 24, may asawa, ng Block 12, Caloocan City.

Dakong alas-tres nang madaling-araw, nagkasa ng buy-bust operation ang grupo ni Station Drug Enforcement Team (SDET) head P/Lt. Zoilo Arquillo at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kahabaan ng Teachers Village corner Pla-Pla St., Brgy. Longos, Malabon City.

Isa sa mga pulis ang nagkunwaring poseur buyer at umiskor ng shabu sa dalawang suspek na nagkakahalaga ng P1,000.

Matapos iabot ang droga, dito na sila dinampot ng mga pulis at nang kapkapan ay nakuha pa sa kanila ang 10 plastic sachet ng shabu.