2 tulak patay, 1 nadakip sa Bulacan

Dalawang shabu pusher ang napatay habang isa pa ang nadakip at makumpiskahan ng baril at droga matapos mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation ng city police sa magkasunod na operasyon sa Bgy. San Rafael I at Bgy. Guico, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Napaslang sina alyas Dagul ng Bgy. San ­Rafael 1 at alyas Elmer ng Bgy. Guico matapos kumasa sa awtoridad habang nadakip naman si Jeremae Pagsulingan alyas Kim.

Narekober sa mga operasyon ang isang kalibre .45 pistol, isang kalibre .38 rebolber, limang pakete ng shabu, drug paraphernalias at mga basyong bala sa lugar.

Bandang alas-12:45 ng tanghali nang kumasa at nasawi sa operasyon ang alyas Dagul at madakip ang kasamang si Pagsulingan habang sa Bgy. Guico ay lumaban din ang tulak na si alyas Elmer bandang alas-tres ng madaling-araw na kanyang ikinasawi.