2 tulak timbog sa Pasig City

Dating seaman, drug pusher na ngayon

Arestado ang dalawang tulak sa Pasig City matapos mahulihan ng P108,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation, Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ni Police Col. Moises Villaceran, hepe ng Pasig City Police, ang mga suspek na sina Rico Rogacion y Manalili, 43, at Aldrin Ube y Ramos, 45-anyos at isang construction worker.

Binitag sila bandang alas-dos ng madaling-araw sa Brgy. Rosario, Pasig City kung saan isang pulis ang nagpanggap na bibili sa kanila ng shabu.

Nahulihan ang dalawa ng limang plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 16 gramo at nasa P108,000 ang halaga.

Nakakulong na ngayon sina Rogacion at Ramos sa Pasig City Police Station para harapin ang kasong isinampa laban sa kanila dahil sa pagtutulak ng droga. (Vick Aquino)