2 tulak todas sa buy-bust

Bulagta ang dalawa umanong drug pusher makaraan ang engkuwentro nito sa pulisya kahapon nang madaling-araw sa Purok Matulungin, Barangay Barrera, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Kinilala ang mga napaslang na sina Christopher Bautista Santiago ng Brgy. Fatima at Alvin Bautista Garcia, residente ng Brgy. Valle Cruz, kapwa sa Cabanatuan City.

Nabatid na dakong alas-4:20 nang madaling-araw nagsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation laban sa dalawa.

Nang matunugang pulis ang katransaksyon nagtangka diumanong bumunot ng baril ang dalawang pusher pero sila ay naunahan ng mga pulis.

Nakuha mula sa mga napatay ang isang caliber .45 pistol, isang caliber 38, P500 na buy-bust money at 13 piraso ng sachet ng shabu. (Jojo De Guzman)