2 van nagsalpukan, 4 nasawi

Nasawi ang apat na katao habang 13 ang malubhang nasugatan sa naganap na banggaan ng dalawang van kahapon sa Brgy. Crossing Palkan, Polomolok sa South Cotabato.

Sa nakalap na ulat, lumitaw na parehong patungong Koronadal City ang isang pampasaherong van at L-300 van nang mag-overtake umano ang passenger van dahilan upang magkasalpukan ang mga ito pagsapit sa Brgy. Crossing Palkan, ng nasabing lunsod.

Sa lakas ng impact ay nasawi ang tsuper ng L-300 van kabilang ang kabiyak nito.

Dalawa rin sa pamilya-Anciano ang kapwa binawian ng buhay.

Napag-alaman pa na sa labintatlong nasuga­tan ay kabilang dito ang isang madre.

Sa kasalukuyan ay nakaratay sa South Cotabato Provincial Hospital ang sampu sa mga ito habang ang tatlo ay isinugod sa General Santos City.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Polomolok-Philippine National Police hinggil sa sakuna habang kinikilala ang mga biktima.