Patay ang dalawang wanted person makaraang makipagbarilan sa mga pulis habang isinisilbi ang warrant of arrest sa Barangay Caingin, Sta. Rosa sa Laguna, kahapon.
Batay sa report ng Sta. Rosa Police, target ng search warrant mula sa RTC Branch 25, Binan City, Laguna si Reynaldo Derla alyas “Pataya”.
Sa halip na sumuko, bumubot umano ito ng baril kasama ang isa pang napatay na nakilala lang sa alyas na “Japorms”.
Naunang pumutok ang mga suspek kaya napilitan umanong gumanti ng putok ang mga operatiba.
Dead-on-the-spot si Japorms, habang isinugod pa sa ospital si Derla, subalit binawian din ng buhay.