Sampu ang nominado sa gaganaping ikalawang yugto ng Juvenile Fillies & Colts Stakes ngayong Linggo sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

P1 milyon ang nakataya sa karerang ito na paglalabanan sa distansyang 1,400 meters kung saan ang mananalo ay tatanggap ng first prize na P600,000.

Ang 10 nominado’y sina Alupay Star, Battle Ground, Divine Dancer, Eyeshot, Guniguni, King Cardinal, Lafu Island, Maligaya, Mr. Ambassador, at Pebble Beach.

Ito ang mga batang mga runners ngayon na puwedeng sumabak sa Triple Crown Series sa susunod na taon.

Ang sesegundo dito’y tatanggap ng runner-up prize na P225,000, ang tersero’t quarto ay bibigyan ng P125,000 at P50,000.

Meron ding bonus na P30,000 ang breeder ng mananalong kabayo.

Dalawang malalaking pakarera ng mga 2-year-old pagdating ng Disyembre at multi-milyong piso ang nakatayang paglabanan ng mga big-time challengers.