Binistay ng bala na umabot sa 20 tama ang tumapos sa buhay ng isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang pagbabarilin ng a­pat na kalalakihang lulan ng dalawang motorcycle kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Dead-on-the-spot si PO1 Richard Mendoza, nakatalaga sa Southern Police District (SPD) at taga-Tesuan, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod, na nagtamo ng 20 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .45 baril at .9mm.

Ayon sa inisyal na report ni Senior. Supt. Nicolas Salvador, hepe ng Muntinlupa City Police, alas-syete ng gabi nang bistayin ng bala sa Tesu­an Luma ang pulis ng mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo na walang plaka at magkakaangkas.