Bilang pagsuporta sa mga solo parents, inihain kamakailan ni Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo ang panukalang batas para bigyan sila ng diskwento sa kanilang mga bilihin.
Sa ilalim ng kanyang House Bill 5604, sinabi ni Castelo na tatanggap ang mga solo parents ng 20% discount mula sa mga restaurant, theater, recreation center, transport service, medical at dental service kabilang na ang mga fees.
“The bill intends to give solo parents the benefits similar to the ones given to senior citizens,” ani Castelo na kailan lamang ay nagtala ng pinakamaraming bills sa House of Representatives.
Lahat ng mga pangunahing establisiyimento ay sakop ng naturang bill kabilang na ang mga negosyo sa Metro Manila, ayon kay Castelo na chairman ng House Committee on Metro Manila Development (MMD).
Ipinaliwanag ni Castelo na ang mga solo parent ang isa mga ‘most underprivileged’ at ‘disadvantaged’ na sektor sa lipunan kung kanilang katayuan ang pag-uusapan.
“It behooves the government to institute dynamic and proactive measures to ensure their welfare,” the lawmaker said. By granting the discount benefits, their disadvantaged condition is mitigated and their morale is uplifted,” ani Castelo.
Kasabay nito, nanawagan si Castelo sa publiko kabilang ang business community upang suportahan ang kanyang panukalang batas para mabilis itong maaprubahan sa Kongreso bunsod na rin ng mga hamon na kinakaharap sa buhay ng mga solo parents.
Kung bibigyan ninyo ng 20% Discount ang mga solo parents, so dapat bigyan nyo rin ng Discount ang mga Single-Head of the Family…dahil wala naman pinagka-iba ang dalawa…..Hindi kumot Single parent ka lang, maari ka nang bigyan ng discount…maraming single parents ang mas angat ang pamumuhay kumpara sa mga couple…..Unfair yan sa mga Head of the Family na Single rin ngunit sila ang tumatayong bread winner…sa tax system, ang mga Single Parents ay pumapasok sa kategorya ng Head of the Family, kung saan may personal tax exemption…so kung pagbibigyan pa yan, magkakaroon ng double deduction…sabagay pabor ito sa mamamayan, para lumiit ang makukubra ng gobyerno, na kadalasan ninanakaw lang ng mga politiko. pero dapat ang batas na ito ay maging parehas sa Single-Head of the Family.
Ito ba yong batas para sa mga “Na Ano Lang”…bwahahahaah..pag napatupad ang panukalang batas na iyan…paano malalaman na Single Parents sila…marahi may mga ID sila na nagpapatunay na sila’y mga “NA ANO LANG’..bwahahahaah..