20% discount sa estudyante gustong gawing batas

Nais ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas na gawing batas ang pagbibigay ng 20% transport discount sa mga estudyante at patawan ng mas mabiĀ­gat na parusa ang sinumang hindi susunod dito.

Sa ngayon ang 20% discount ay nakasaad lamang sa LTFRB Circular. Sa inihaing House Bill No. 72 ni Vargas iginiit nito na dapat malinaw sa batas ang pagbibigay ng diskuwento sa pasahe sa mga estudyante.

Sa kanyang panukala ang lahat ng estudyante ay makakatanggap na ng 20% discount sa lahat ng uri ng public transportation sa loob ng isang taon kasama rito ang weekends at holidays habang wala namang diskuwento kapag semestral at summer breaks.

Para makakuha ng diskuwento, kailangang magpakita ng valid ID ang mga estudyante na katunayang naka-enroll ito.

Hinihikayat din sa panukala na agad magreklamo ang mga estudyante na tatanggihan ng discount, kung land transportation umano ay ihain ang reklamo ang LTFRB, sa office of the local chief executive sa mga reklamo laban sa mga tricycle, sa Maritime Industry Authority sa water transportation, Civil Aeronautics Board para sa air travelĀ­ at legal service ng Department of Transportation para sa mga rail facilities.