20% discount sa public school teachers hinirit

Sa napakaliit nilang sahod kapalit ng kanilang dedikasyon sa trabaho, isang panukalang batas ang inihain sa Kongreso na naglalayong bigyan ng discounts ang mga guro mula sa public schools.

Diskuwento na 20% sa transportasyon, medisina, renta sa hotels, sa mga kainan, hospitals, sinehan, gym at mga entertainment establishment ang isinusulong ng House Bill 801 o “An Act Granting Discount Privileges And Other Benefits To Public School Teachers And For Other Purposes” na inakda nina Ako Bicol Party-list Rep Rodel Batocabe, Alfredo Garbin Jr. at Christopher Co.

Bukod sa diskuwento ay nais din ng panukala na mabigyan ng prayoridad ang mga public school teacher sa mga government lending institutions para sa kanilang mga loan na hindi tataas ng P20,000.

Sakop ng nasabing bill ang mga public school teacher kahit pa man contractual o temporary lamang ito basta kumikita ng hindi tataas sa P60,000 kada taon.