Inilahad ng Department of Health (DOH) nitong Sabado na nasa 1,101 healthcare worker na ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sa virtual briefing nitong Sabado, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa nasabing bilang ng mga healthcare worker na dinapuan ng virus ay 20 doktor at anim na nurse ang nasawi.

Kabilang aniya sa mga nagkasakit sanhi ng COVID-19 ay 434 na doktor, 400 ang nurse, 55 ang nursing assistant, 32 ang medical technologist, at 21 ang radiologic technologist.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pakikiramay si Vergeire sa mga pamilya ng mga healthcare worker na nasawi dahil sa COVID-19. (PNA)