Pangungunahan ng UAAP champion Ateneo at NCAA titlist San Beda ang record na 20 teams na mga magrarambulan sa 2019 PBA D-League na papailanlang sa February 14 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Isa rin ang hari ng NAASCU na St. Clare sa magtatangkang tumibag sa 2018 Foundation Cup champion Go for Gold-CSB.
Umabot sa 15 school-based teams ang makikisawsaw sa liga na magkakaroon lang ng isang torneo ngayong season.
Mula UAAP pa ang FEU, UST at NU, at galing ding NCAA ang Letran at San Sebastian.
Balik ang league pioneer CEU, back-to-back runner-up sa nagdaang season na Che’Lu Bar & Grill, holdovers Marinerong Pilipino, Batangas-EAC at AMA Online Education, at returnees Perpetual at Wangs Basketball.
Newcomers ang Diliman College, Phoenix-Enderun, Trinity College at McDavid.
Hawak ng AMA ang first pick sa draft sa PBA office ngayon, Jan. 15.