Umabot sa 20 katao ang sugatan kabilang ang anim­ na taong gulang na bata nang sumalpok sa waiting shed at isang motorsiklo ang sinasakyang truck matapos mawalan ng kontrol sa Zamboanga Sibugay.

Sa ulat ni Police Regional Office-Zamboanga­ Peninsula spokesman, Superintendent Rogelio Alabata,­ bandang alas-nuwebe ng umaga nang maganap ang aksidente sa Nazareth, Kabasalan, Ipil.

Nagtamo ng mga sugat at bali ng buto sa katawan ang mga biktimang sina Fernando Manera, driver; Irenefe Torefranca, 52; Noel Torefrana, 52; Petchie Bartolome, 34; Ronelo Laquinon, 49; Norleen­ Dumrique;­ Fe Laquinon, 75; Kurby Bartolome, 13; Kurt Kobey Bartolome, 14; Justin Parenas, 13; Luke Mib Laquinon, 9; at Jainara Parenas, 6.

Papuntang Siocon, Zamboanga del Norte ang minamanehong ni Manera nang mangyari ang insidente.