Nasa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan nang tupukin ng apoy ang may 80 bahay sa naganap na sunog kahapon sa Barangay Almanza Uno BF Homes, Las Pinas City.
Sa report ng Las Piñas Bureau of Fire Protection (BFP), alas-9:56 nang umaga nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Loreto Albay Damalerio, sa may Block 13, Lot 3 Joseph Ext., Barangay Almanza Uno.
Mabilis namang kumalat ang apoy sa mga katabing kabahayan na pawang mga gawa sa light material.
Mabilis namang rumesponde ang mga kagawad ng pamatay sunog na umabot sa ikatlong alarma, dakong alas-11:54 nang umaga nang ideklara itong fire out.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan.
Sa ngayon ay patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad. Inaalam na rin ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.
Agad naman nagbigay ng ayuda ang Pamahalaan Lungsod ng Las Piñas na kung saan agad dinala ang mga pamilya ng apektado ng sunog sa mga covered court at barangay hall. (Armida Rico)