200 preso bibigyan ng parole, executive clemency

Isinasailalim na sa proseso ng Department of Justice (DOJ) ang 200 aplikasyon para sa parole at executive clemency kada linggo bilang pagsusumikap ng gobyerno na mabawasan ang preso sa bilangguan sa harap nang dinaranas na COVID 19.

Ayon kay DOJ Undersecretary Markk Perete, inaasahang malaking bilang ng mga preso ang mapapalaya sa pamamagitan ng ` simplified parole at executive clemency processes.’

Nalaman kay Perete na inatasan na ang Board of Pardons and Parole na madaliin ang isinasagawang proseso sa aplikasyon.

Hindi na umano inoobliga ang mga bilanggo na mag-report sa parole and probation officer sa panahon ng state of national emergency.

“‘Yung actual number of prisoners, we are looking at a significant number kasi although we don’t have the exact number, majority of our prisoners kasi will fall under the category na yung 65 years and above,” ayon kay Perete .

Nabatid na prayoridad umano ang aplikasyon ng mga matatanda at may sakit na preso at iyong mga low risk inmate.

Una nang iniulat ng BuCor na may 20 kaso ng COVID-19 infection na preso at isang staff.

Dalawa sa nagpositibo ang dinala sa hospital at ang iba ay nasa quarantine facility sa New Bilibid Prisons.

Nalaman na may 50,000 na ang bilang ng preso sa bansa.(Juliet de Loza-Cudia)