‘Eco-mentality’ ang isinulong ng pamahalaang lungsod ng Antipolo sa ginanap na Environmental Awareness Symposium na may temang ‘Science for the People, Innovation For Collective Prosperity’ kamakailan. Pinangunahan ng City Environment and Waste Ma­nagement Office (CEWMO) ang programa kung saan nasa 2,000 Junior at Senior high school students ang nakiisa.

Ipinahayag ni Ma­yor Jun Ynares na mahalaga na matutunan at maunawaan ng mga kabataan ang tungkulin ng bawat mamamayan na panatilihin ang kalinisan ng ating kapaligiran.

Gayunpaman, binigyang-diin niya na patuloy ang pamahalaang lokal sa programa nitong pangkalikasan tulad ng pagpapa­lakas ng adbokasiya na magkaroon ng Materials Recovery Facilities (MRFs) sa mga barangay, subdivision, at eskwelahan.

Sa kasalukyan mayroon ng 67 MRFs ang naitayo sa lungsod. Paksa sa symposium ang ‘Seven Environmental Principles’ at ‘Ways on How to Practice More Being Discip­lined’ kung saan tinala­kay ng mga kawani ng CEWMO na dapat ma­ging mas disiplinado ang mga kabataan pagdating sa mga basurang kanilang itinatapon at ang wastong pamahahala dito.

Tinalakay din ang epekto at kahalagahan ng sapat na kaalaman gayundin ang mas accessible na impormas­yon na susi para mas matulungan ang ating kalikasan.

Natanggap ng Antipolo City ang Environmental Compliance Audit (ECA) Plati­num Award 2017 mula sa Department of Interior and Local Government(DILG) dahil sa epektibo at mahigpit na pagpapatupad ng mga progra­mang pangkalikasan tulad ng Basura Code at ‘No Segregation, No Collection Policy.’