Hindi mangyayari ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-appoint ng mga barangay officials kapag naipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election.

Ito ang lumabas sa caucus ng mga mamba­batas kahapon kung saan nagkaisa ang mga mambabatas na ipagliban ang eleksyon hanggang Mayo 2018 kung saan mananatili sa kanilang puwesto ang mga incumbent barangay officials.

“What was ­decided in the caucus was the postponement of the elections to May 2018 and the holdover of the ­current officials,” ani CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugna, chairman ng House committee on suffrage and electoral reform.

Sinabi naman ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ­overwhelming ang boto ng mga ­pabor na ipagpaliban ang eleksyon at mangilan-ngilan lamang, aniya, ang nais na ituloy ang halalan sa ­Oktubre 2017.

Sakali naman na ­hindi matuloy ang plebisito sa Chacha sa Mayo 2018 ay muling isusulong ng ­Kamara na ipagpaliban ng barangay elections.

One Response

  1. Bakit kailangan pa e urong ang election kung ganyan talaga ang araw ng election naghahanap lang kayo ng prolema sa topic nayan na dapat hindi naman yan big issue. Dapat tuparin ng mga government worker ang kanilang mga pangako sambayanang Pilipino hindi puro tangge kung anong mga event na dabat magawa sa ating bansa… Non sense ang issue na ito na puro paliban sa election…