Pina­ngunahan ng Filipino Inventors Society Producers Coo­perative (FISPC), sa pamumuno ng pangulo nitong si Francisco ‘Popoy’ Pagayon ang katatapos na pagdiriwang ng ika-25 National Inventors Week.

Sa pakikipagtulu­ngan ng Department of Science and Techno­logy (DOST), Technology Application Institute (TAPI), Marcos State Univer­sity (MMSU), Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte at Lungsod ng Batac ginanap ng FISPC ang pagdiriwang nitong nakaraang Nobyembre 20-23 sa Teatro Ilocandia sa Batac City, Ilocos Sur.

Naging tampok ng pagdiriwang ang ‘exhibit’ ng iba’t ibang imbensiyong Pinoy, mga talakayan sa agham at teknolohiya, entrepreneurship seminars at iba pa. “InventrePinoy para sa tuloy-tuloy na paglago at kasaganaan” ang tema ng pagdiriwang.

Itinatag ang Filipino Inventors Society (FIS) noong 1943 na panahon ng Ikalawan­g Dig­maang Pandaigdig, kaya ang pagdiriwang ng NIW ngayong taon at nataon sa ika-75 ­taong (Diyamante) ani­bersaryo nito. Itinatag ito nina Dalmacio Buenaventura at Pastor Reyes-Torres.

Ayon kay Pagayon, itinutulak ngayon ng FIS ang “InventrePinoy” program na naglala­yong matutunan ng mga imbentor kung paano nila magagawang negosyo at mapalago ang kanilang mga imbensiyon, at makatulong sa pagpapaunlad sa bansa.