2018 ToniTEN: Jennylyn nanguna sa sampung hot momma

Tampok ngayon ang mga celebrity mother na walang kakupas-kupas ang ganda. Mga hot momma na bagamat may mga anak na ay kaya pa ring makipagsabayan sa mga nagseseksihan sa industriya.

 

View this post on Instagram

 

Cherish every sunset…? ? : @markbaquiran

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on


1. Jennylyn
Nangunguna sa ranking ang aktres na si Jennylyn Mercado. Kung dati ay ‘di na maitatanggi ang taglay na kaseksihan niya ay mas tumriple ang pagiging hot nito. Malaki ang pinagbago ng pangangatawan niya matapos manganak sa panganay niya na si Alex Jazz Mercado. Hindi nakakapagtaka na napabilang siya sa Top Sexiest Woman in the Philippines nu’ng 2015 sa isang Men’s Magazine at simula noon ‘di na siya nawala sa Top 10.

 

View this post on Instagram

 

Oh Sunday… ❤️

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on


2. Marian
Pumapangalawa sa ranking ang aktres na si Marian Rivera. Nakakaloka kung gaano kabilis ang pagpayat niya. Ilang buwan pa nga lang makalipas manganak sa panganay niya na si Zia Dantes ay nakapagsuot na agad ng two piece swimsuit ang aktres. Labis na kaseksihan rin ang ipinamalas niya sa teleserye niyang “Super Maam” na kung saan ay toned na toned ang kaniyang abs. Ngayong nagdadalang tao siya sa kaniyang second baby na kamakailan lang ay inanunsiyong lalaki ang kasarian.

 

View this post on Instagram

 

chill out ☀️

A post shared by twitter @cristinereyesss (@cristinereyes) on


3. Cristine
Ang ikatlo sa ranking ay ang aktres na si Cristine Reyes. Talagang maili-level ang kaseksihan niya sa mga wala pang anak sa industriya. Sikreto ni Cristine? Moderation sa pagkain at exercise. Physically active talaga siya.

 

View this post on Instagram

 

sunday mood ? a.k.a everyday mood

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati) on


4. Sarah
Pang-apat naman sa mga hot mommas ang aktres na si Sarah Lahbati. Kapansin-pansin ang mga sexy photos niya sa mga out of town nila ng asawang si Richard Gutierrez. Bagamat dalawa na ang anak ( Zion at Kai) ay wala pa ring kupas ang alindog ng aktres. Hindi kataka-takang nabighani niya ang pantasya ng bayan na si Richard.


5. Andi
Ikalima sa ranking ang young mom na si Andi Eigenmann. Mas malaki ang iginanda ng katawan niya ngayon. Hindi lang dahil sa kinahuhumalingan niyang surfing kundi sa napaka-strict na diet. Mukha pa rin dalaga ang aktres at ‘di mahahalata na may pitong taong gulang na siyang anak na si Adrianna Gabrielle “Ellie” Eigenmann.

 

View this post on Instagram

 

?❤️

A post shared by katrina_halili (@katrina_halili) on


6. Katrina
Pang-anim naman sa ranking ang aktres na si Katrina Halili. Aminado ang aktres na lumaki ang pangangatawan niya matapos manganak kay Katrence “Katie” Lawrence sa dating boyfriend na si Kris Lawrence. Pero dahil na rin sa pagiging determinado na mabalik ang alindog ay naging masigasig ang aktres sa pagre-reduce ng timbang. Isa sa sikreto ni Kat ay ang “sleeping diet.” Kaya naman ngayon ay panalo ang kaseksihan niya at talaga namang swimsuit-ready.

 

View this post on Instagram

 

Stopping for Honolulu cookies?

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on


7. Toni
Ikapito sa mga hot momma ay ang host at aktres na si Toni Gonzaga. Talagang physically fit na ang aktres kahit noong nagbubuntis pa ito. Pagkapanganak sa first baby niya na si Severiano “Sevie” Elliott Gonzaga Soriano sa asawang si Direk Paul Soriano ay parang walang nangyari dahil sa bilis ng pagbalik ng kaniyang katawan.

 

View this post on Instagram

 

what you see is what you get ???

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95) on


8. Ina
Ang ikawalo naman ay ang aktres na si Ina Raymundo. Sa kaseskihan na taglay niya ngayon ay parang hindi siya tumatanda. Kung ano si Ina noon ay siya pa rin ngayon. Hindi rin kapani-paniwala na mayroon na siyang limang anak. Ang sikreto sa “ageless” na si Ina ay ang pagiging adik niya sa Zumba at boxing.

 

View this post on Instagram

 

? • #crimsonboracay #stationzero

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on


9. Sunshine
Ikasiyam sa ranking si Sunshine Cruz. Nakakaloka dahil kapag nagtabi sila ng mga dalaga niyang anak (Angelina, Angeline Isabel, Samantha Angeline, Angel Francheska) ay parang magkakapatid lang sila at hindi mag-iina. Sa edad na 41 ay kering-keri pa rin niya magsuot ng two piece swimsuit. Nakaka-inggit na sa edad niya ay mayroon siyang toned abs.

 

View this post on Instagram

 

MAXIM COVER GIRL SEARCH 2018 @maximmag Update: We are now down to Top 5 in each group today and down to 1 next week! I am pleased to say that I’m still on Rank #1 in my group (International Group 4) since Day 1 !? Thanks to all of you who are voting for me each day!?? We can do this!?? We are getting closer & closer to fulfilling my mission to help the young cancer patients of “House of Hope” in Davao City, Philippines and a foundation for people with special needs! Even if I don’t win this, I would like to at least show my support for the Homes For Wounded Warriors @jah4ww in my own way.❤️ As my ‘THANK YOU’ to my voters, I would like to give away some pairs of women’s shoes and sling bags from @yesstyle to my Top 2 WARRIOR VOTERS from today until the 25th of October! (Swipe left to see the items, if they are not for you, they could be gifts for your loved ones) ? When I reach the Final Round, I will be giving away some more gifts of appreciation!? When you get your Warrior Votes, I will be notified how much votes you have purchased and you will be given an option to send me a message there, PLEASE DON’T FORGET to state your NAME and INSTAGRAM Username for verification so I could contact you for your shipping address. ? LINK TO VOTE: https://maximcovergirl.com/2018/valerie-garcia-birchmore (Link on my BIO & IG Stories too) #Maxim #iwanttobemcg #jah4ww #MaximCoverGirl #motherpower #FilipinoPower #10monthspostpartum PS. If you want to purchase anything from @yesstyle , use my subscriber code VALERIE10 (valid until 6th of December) to get 10% off your purchase above $49.? ? @shiemer.photography Pink Cardigan from @yesstyle

A post shared by Valerie Garcia-Birchmore (@valeriebangsgarcia) on


10. Bangs
Ang panghuli sa ranking ay ang aktres na si Bangs Garcia. Kung seksi na siya noon ay mas sumeksi siya ngayong isinilang niya ang first born na si Amelia Garcia Birchmore. Pitong buwan matapos manganak ay balik alindog na agad ang aktres. Ibinahagi niya pa nga ang sikreto niya sa kaniyang Instagram. Kasabay ng payo at permiso ng doktor, kahit buntis pa ang aktres ay nagwowork out pa rin siya at maintain ang strict diet hanggang manganak siya.