Hindi agad pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naipasang 2019 national budget kahit pa gumagamit na ngayon ang gobyerno ng reenacted budget.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dadaan pa ito sa masusing pagbusisi ng Pangulo para makatiyak na naaayon sa Konstitusyon ang naipasang 2019 national budget.
Kapag aniya may nakita ang Pangulo na inaakalang iregular at hindi tama ay ibi-veto niya ito at ibabalik sa Kongreso.
Kahit aniya gustong-gusto na ng Pangulo na pirmahan ang 2019 national budget ay hindi niya gagawin ito dahil kailangan munang makita kung may butas ang General Appropriations Act.