Pinabubuyangyang ni House committee on appropriations Chairman at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. ang 2018 report kaugnay sa diumano’y pork barrel ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Benjamin Diokno.
“The House conferees demand that DBM furnish us a report on total appropriations that have not been released and allotment issued that have not been obligated for year 2018,” pahayag ni Andaya.
Kailangan aniya ang report para maaprubahan ang 2019 national budget.
“Congress authorized the extension of the 2018 appropriations. We demand to see the balances,” giit ni Andaya.
“Matagal na naming hinihingi ito kay Sec. Diokno. This report is two years overdue. Kahit ‘yung report on 2017 savings, hindi pa rin naibibigay ni Sec. Diokno sa Congress hanggang ngayon,” dagdag nito.
Hindi lamang aniya milyon-milyong piso ang pinag-uusapan dito kundi bilyones.
Nakaligtas man aniya si Diokno sa pagbusisi ng pork ng DBM noong 2018 budget deliberations pero hindi na ito mauulit ngayon.