Tuloy ang hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games sa 2019 at kasama sa magiging plano na bigyan ang mga Filipino athletes ng pagkakataong­ makapamili ng lugar na pagdadausan ng kanilang ­lalahukang sport.

Siniguro ito kahapon ni SEA Games Organizing Committee chairman Alan Peter Cayetano sa formal announcement ng SEAG hosting sa Marriott Hotel sa Parañaque City.

“The athletes are the ones who will compete and it will be difficult if someone else will decide for them,’’ hayag ni Department of Foreign Affairs ­secretary Cayetano.

Naibsan ang pangamba ng mga atleta matapos ianunsyo na matutuloy ang staging ng Pilipinas sa 2019 SEAG.

Kasama ni Cayetano sa naghayag ng magandang balita sina Philippine Sports Commission (PSC) chairman Butch Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco.

Ayon kay Ramirez, makita lang nitong nagkakaisa­ ang mga Filipino ay isa na itong tagumpay para sa kanila sa sports.

“As a former athlete and coach I do not look at medals as a standard of winning. The teamwork, ­unity, cooperation and Filipino spirit is the real victory for me,” saad ni Ramirez.

Nabalita noong nakaraang buwan na hindi na ­matutuloy ang pag-host ng Pilipinas ng SEAG dahil ilalaan na lang ng gobyerno ang budget para sa rehabilitation sa mga nasirang gusali sa Marawi City at ibang lugar sa Mindanao kasama ang pagtulong sa mga nasawing sundalo na lumaban sa giyera.

“Answered prayer po na matuloy ang SEA Games,” wika ni Cayetano. “Si Presidente is a fan of sports kaya isa rin ‘yun kaya nagbago ang kanyang isip.”

Sinabi rin ni Cayetano na target nilang pagdausan ng ibang mga laban ang Bulacan, Pampanga at ­Zambales.