2019 World Slasher Cup sa Lunes na – Berbano

Suportado ng higit 300 entries, sisiyapol ang prestihiyosong 2019 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby sa Lunes, Enero 28, sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap ang ilang foreign at local participants ngayon, Sabado, Enero 26 sa tradisyonal na “pitting of the birds” sa katabi ng venue na Novotel Hotel Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

Ayon kahapon kay Pit Games Media CEO Manny Berbano, ang tunay na aksyon ay sa Ene­ro 28, 29 at 30 (2-cock elims), Enero 31, Pebrero 1 at 2 (3-cock semis), Pebrero 3 at 4 (Day 1 and 2 finals) at Pebrero 6 (Day 3 grand finals).

Suportado ng Excellence Poultry and Livestock Specialists ang siyam na araw na palaban ng Pintakasi of Champions.

Tangka ni sabong idol Patrick Antonio, ang defending champion, na iuwi ang kanyang ikawalong WSC title.

Sasabak din ang mga WSC champs na sina Biboy Enriquez ng Excellence, Nene Araneta, Ray Alexander ng Alabama, Rey Briones, Dicky Lim, Joey Sy, Ed Aparri, Art de Castro, Doc Ayong Lorenzo, Boy Marzo, Frank Berin, Dante Eslabon, Escolin Brothers, Rikki Reyes, Magno Lim, Peping Ricafort, Boy de Roca, Honey Yu, Noel Jarin at Joey delos Santos kasama si Bruce Brown ng California.

Ang mga dayo naman ay sina Marty Bently ng Ohio, Erik Rosales, Robert Dominguez at Bruce Brown ng California, Butch Cambra ng Hawaii, Nathan Jumper ng Mississipi, Tim Fitzge­rald ng Utah, at iba pa.