2020 All-Star Weekend kinansela

Kinumpirma ng Philippine Basketball Association (PBA) na walang magaganap na All-Star Weekend ngayong taon dahil sa coronavirus pandemic.

Gaganapin sana ang midseason extravaganza, tampok ang All-Star Game sa Passi, Iloilo sa Hulyo.

“Sigurado ‘yun, postponed muna kasi one conference na lang tayo,” wika ni league commissioner Willie Marcial. “As of now, cancelled ang All-Star, ire-resume ulit natin by next year.”

Sakaling pumayag uli ang Passi local government, ani Marcial, doon pa rin gagawin ang All-Star 2021. (Issa Santiago)