2020 Bar exam pinagpaliban

Maghihintay hanggang sa susunod na taon ang mga nais kumuha ng Bar examination ngayong taon. Ito’y matapos na magpasya ang Supreme Court (SC) en banc na ipagpaliban ang 2020 Bar exams dahil na rin sa COVID-19. “In view of the increasing number of COVID-19 (coronavirus disease 2019) cases in the country, as well as the social and economic disruption caused by the pandemic and the resulting enhanced community quarantine, the Supreme Court en banc resolved to postpone the 2020 Bar examinations," pahayag ni Associate Justice Marvic Leonen sa isang advisory. Si Leonen ang chairperson ng 2020 Bar exams. Sabi ni Leonen, ito’y upang mabigyan ng tamang panahon ang SC na malaman kung ano ang mga kinakailangang adjustment at magkaroon ng sapat na preparasyon para sa kaligtasan at kaayusan ng mga kukuha ng Bar exams. Ihahayag ang bagong schedule ng Bar exams sa buwan ng Hunyo kapag nagkaroon na aniya ng linaw ang mga ginagawang adjustment sa kasalukuyan hinggil sa COVID-19 pandemic. “It shall definitely be held sometime in 2021," sabi ni Leonen. Dagdag pa nito na gagawin ang Bar exams sa Maynila at Cebu City. Kadalasang isinasagawa ang Bar exams ng Nobyembre kada taon kung saan ay kumukuha ng pagsusulit ang mga law graduate at re-taker tuwing araw ng Linggo sa loob ng isang buwan. (PNA)

Maghihintay hanggang sa susunod na taon ang mga nais kumuha ng Bar examination ngayong taon.

Ito’y matapos na magpasya ang Supreme Court (SC) en banc na ipagpaliban ang 2020 Bar exams dahil na rin sa COVID-19.

“In view of the increasing number of COVID-19 (coronavirus disease 2019) cases in the country, as well as the social and economic disruption caused by the pandemic and the resulting enhanced community quarantine, the Supreme Court en banc resolved to postpone the 2020 Bar examinations,” pahayag ni Associate Justice Marvic Leonen sa isang advisory.

Si Leonen ang chairperson ng 2020 Bar exams.

Sabi ni Leonen, ito’y upang mabigyan ng tamang panahon ang SC na malaman kung ano ang mga kinakailangang adjustment at magkaroon ng sapat na preparasyon para sa kaligtasan at kaayusan ng mga kukuha ng Bar exams.

Ihahayag ang bagong schedule ng Bar exams sa buwan ng Hunyo kapag nagkaroon na aniya ng linaw ang mga ginagawang adjustment sa kasalukuyan hinggil sa COVID-19 pandemic.

“It shall definitely be held sometime in 2021,” sabi ni Leonen.

Dagdag pa nito na gagawin ang Bar exams sa Maynila at Cebu City.

Kadalasang isinasagawa ang Bar exams ng Nobyembre kada taon kung saan ay kumukuha ng pagsusulit ang mga law graduate at re-taker tuwing araw ng Linggo sa loob ng isang buwan. (PNA)