Sa Enero na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.1 trilyong budget para sa 2020, ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Sinabi ni Sotto na matatagalan ang printing ng national budget dahil sa Kapaskuhan kaya posibleng sa Enero na ito makarating sa mesa ni Pangulong Duterte.

“The latest will be January 6, 2020. ‘Yun ang suspetsa namin na pinakamabilis na matapos ang printing kasi may mga holidays… but it could be earlier,” wika ni Sotto sa programa ni Cely Bueno sa DWIZ.

Hinggil naman sa isiningit ng Kamara sa 2020 budget, sinabi ni Sotto na nakausap na niya sina acting Budget Secretary Wendel Avisado at Senador Panfilo Lacson na nagkaroon sila ng kasunduan dito.