2020 Palaro tuluyan nang makakansela

NAPOSPON ang paglarga ng ika-63 edisyon ng Palarong Pambansa 2020 dahil sa coronavirus disease 2019 pandemic.

At dahil sa patuloy na pamiminsala ng COVID-19, plano nang kanselahin ng Department of Education (DepEd) ang annual sportsfest para sa mga elementarya at sekondyang estudyante ng 17 rehiyon ng bansa .

Isusulong ni DepEd spokesperson Undersecretary Annalyn Sevilla ang planong pagbaklas na sa weeklong multi-sport event

Magpupulong ang Palarong Pambansa executive board na binubuo ng mga opisyal ng DepEd, Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Interior and Local Government (DILG) para pag-usapan ang tamang gagawin.

Ang orihinal na pagdadausan nito ay ang Occidental Mindoro. Pero nag-backout ang probinsiya matapos ang Bagyong Tisoy na tumama sa rehiyon.

Sinalo ang hosting rights ng Marikina City. Ngunit ipinagpaliban ito noong Marso dahil sa paglala ng virus sa bansa. (Elech Dawa)