2021 World boxfest nilipat sa Belgrade

Inihayag ng International Boxing Association (AIBA) na hindi tinuloy ng New Delhi, India ang karapatang maging host ng 21st World Men’s Boxing Championships 2021 na sinalo ng Belgrade, Serbia.

Kinumpirma ng AIBA na tuluyang kinansela na ang kontrata sa Indian capital dahil hindi nito binayaran ang host fee base sa Host City Agreement. Sisingilin ang Boxing Federation of India (BFI) ng $.5M cancellation fee.

“I’m sure all the nations would be proud to host the Championships in Belgrade,” ani AIBA interim president Mohamed Moustahsane ng Morocco.

“Serbia has everything to organize a great event for athletes, coaches, officials, and, of course, for our boxing fans. It’s a big step toward our new competition system and also the financial stability of our organization, which is going to be less and less dependent on the Olympic money.”

Suspendido ang AIBA sa International Olympic Committee (IOC) noong Hunyo dahil sa mga anomalya.

Kaya ang IOC Boxing Task Force ang mamamahala ng sport sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

Nagpapabango ang international (sport) federation (IF) sa pamamagitan ng AIBA Extraordinary Congress. Pero naudlot dahil sa coronavirus disease 2019 pandemic, na nag-urong din sa 2020 Tokyo Olympics sa susunod na taon mula sa parating na Hulyo 24-Agosto 9.

Pinangwakas ni Moustahsane na pag-uusapan sa AIBA Executive Committee ang petsa kasama ang local organizer para sa 2021 World Men’s sa Belgrade na nagtaguyod na rin ng kagayang torneo noong 1978 nang ito pa ang kabisera ng Yugoslavia. (Lito Oredo)